43

Feb 6, 2020 @ 10:24
By

Paraw Regatta Festival ‘di tuloy dahil sa nCoV

Pinagpaliban ng Iloilo City government ang mga aktibidad kaugnay ng Paraw Regatta Festival dahil sa kumakalat na novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Sabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sa payo ng Iloilo City Health Office, mas mabuti nang wala munang pagtitipon ng mga tao dahil sa banta ng virus.

Idaraos sana ang Paraw Regatta, ang isa sa mga pinakamalaking sailing event sa Asia, sa darating na Pebrero 23 hanggang Marso 1, 2020.

Subaybayan ang Iloilo Festival Foundation para sa updates sa nasabing event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?