13

Sep 15, 2021 @ 14:41
By

‘Parasite’ director Bong Joon-ho sobrang humble, elibs sa ‘On The Job’ team

Ikinwento ng isang Pinoy direktor ang naging engkwentro niya kay award-winning director Bong Joon-ho.

Sa isang Twitter thread, inilahad ni Quark Henares ang mga naranasan niya at ng “On the Job: The Missing 8” team sa South Korean director nang personal nilang makilala ito sa 78th Venice Film Festival.

Aniya, napaka-humble ni BJH dahil nakisalo ito sa kanyang team habang nagdi-dinner sila.


Inintriga rin umano nito ang direktor ng Filipino film na si Erik Matti tungkol sa naging soundtrack, locations at budget ng pelikula.

Sambit pa niya, kitang-kita raw sa Koreanong direktor ang interes nitong malaman sa naging produksyon ng Pinoy film.

Ani Henares, tuwing sinisingit niya ang mga naging pelikula ni BJH ay binabalik niya ito sa usapan kung paano ginawa ang On the Job.

“We talked about his films for a bit. [B]ut every time we’d bring up his films or the other festival films, he’d politely answer and turn the topic back to On The Job. He seemed to really love the film,” tweet niya.

Nito lamang Linggo nang magwagi ng Coppa Volpi for Best Actor Award si John Arcilla para sa naturang palabas.

Ginanap ang prestihiyosong film fest sa Italy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?