418

Oct 27, 2018 @ 16:06
By

Paras walang kontrata sa Imus, free agent na

Inamin ng Commissioner’s Office ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na noong Miyerkoles ng gabi lamang nila nalaman na hindi pala nakapirma ng kontrata sa Imus Bandera si Andre Paras.

Ayon kay Commissioner Kenneth Duremdes, ang alam ng Imus ay nakapirma ng kontrata sa kanila ang batang Paras pero hindi pa pala kaya agad na inilagay sa free-agent list si Paras.

“The MPBL, thus is declaring Andre as a free agent and any team can pick him up,” sabi ni Duremdes.

Matapos nito ay agad na pagkalat ng memo ang liga sa lahat ng koponan na kasali rito para ipaalam ang kasalukuyang katayuan ng manlalaro.

Sinabi rin ni Duremdes na tinawagan siya ng Batangas para tanungin ang tungkol kay Paras pero ang dapat aniya ukol dito ay ang kampo ni Paras mismo.

Si Paras ay isa sa mga artista na naglalaro sa liga kasama sina Xiam Lim ng Mandaluyong at Gerald Anderson ng Marikina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?