4,432

Jul 20, 2018 @ 19:44
By

Paras, Standhardinger, Parks, iba pa pamalit sa Gilas Pilipinas

Walang dapat ipangamba ang bansa pagkaraang malagasan ng 10 player ang national men’s basketball team o Gilas Pilipinas para sa pang-4 na home-and-away window games kontra Iran at Qatar simula sa Setyembre 13.

May 10 ang naparusahan ng International Basketball Federation na binagsak kamakalawa sa Samahang Basketbol ng Pilipinas. Pero umugong na ang mga pangalan ng ilang mga kandidato makaraang sumegunda ang bansa sa 18th FIBA World Cup 2019 Asian Qualifier Group D via 4-2 win-loss record.

Ilan sa kursunada ng mga eksperto’t panatiko na kanilang nai-post na sa social media sina Raymond Almazan, Kevin Ferrer, Mac Belo, Kobe Paras, Bobby Ray Parks, Mike Tolomia, Norbert Torres, at Christian Standhardinger.

Gayundin din sina Greg Slaughter, JP Erram, Ian Sangalang, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Scottie Thompson, Jericho Cruz, Paul Lee, LA Tenorio, Abu Tratter at Arwind Santos.

May tatlong buwan sila para magamay ang sistema ng team bilang pamalit kina injured Kevin Alas at suspended Kiefer Isaac Ravena (doping test) at mga nasangkot sa gulo noong Hulyo 2 na game sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sila ay sina Japeth Aguilar at Matthew Wright na tig-1 larong suspensyon, tig-3 game na wala na sina Terrence Romeo, Jayson Castro, Troy Rosario at Andray Blatche, 5 labang libang sina Jio Jalalon, Carl Bryan Cruz at Roger Pogoy, 6-game out na si Calvin Abueva.

Six teams ang mga susulong sa Group E sa second round mula sa Group B at D. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?