31

By

Paras, Rivero kukubrahin ang unang panalo ng Gilas

Sharing is caring!

Mailap pa rin ang unang panalo para sa Gilas Cadets sa umiinit nang 2018 FilOil Flying V Pre-Season Premier Cup.

Sadsad sa unang tatlong salang, susubukan ngayon ng tropa ni Gilas coach Josh Reyes ang palabang University of Perpetual Help-System Dalta Altas ganap na alas-6:30 ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumain ng alikabok ang Gilas Cadets nang kaladkarin ng reigning NCAA champions San Beda Red Lions, 91-70, nitong Linggo.

Tumikada sa opensa ng Gilas sina high school standout Carl Tamayo na may 13 markers, sumahog si Kobe Paras ng 11 puntos sa nakakadismayang 4 of 14 shooting.

Sawsaw ng siyam na puntos si Ricci Rivero subalit walang naipasok sa anim na tira sa downton.

Sa debut game ng Gilas sa torneo laban sa reigning UAAP champions Ateneo Blue Eagles, kumalawit si Paras ng 13 points pero limang tira lamang ang naipasok sa 14 na pukol. Alat din ito sa foul line sa inilistang 1 of 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?