76

Paras, Ravena nanguna sa listahan ng Gilas ‘dream team’ sa 2023 FIBA World Cup

Sharing is caring!

Inilabas na nitong Enero 5 ni national coach Chot Reyes ang listahan ng posibleng maging miyembro ng ‘dream team’ nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 FIBA World Cup kung saan co-host ang Pilipinas.

Sa kanyang Twitter account sinabi ni Reyes ang anunsiyo ng 23 players na pinagpipilian para sa Gilas roster na karamihan ay amateur players na naglalaro sa collegiate level.

Pinangungunahan ito nina Kobe Paras, Thirdy Ravena, Paul Desiderio, Kai Sotto, Matt Nieto, Robert Bolick, at Fil-Nigerian AJ Edu.

Kasama rin sa listahan ang mga banyagang may dugong Pinoy na sina Remy Martin, Dwight Ramos, at Troy Rike.

Nilinaw naman ni Reyes na hindi pa ito ang pinal na listahan.

Nakuha ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang karapatang mag-host ng bansa ng 2023 FIBA World Cup matapos mapresinta sa Central Board sa Switzerland noong Disyembre.

Kasama rin ng Pinas bilang co-host ang Japan at Indonesia. Tinalo nila ang mga bansa mula sa South American na Argentina at Uruguay.

Labing-anim na laro ang paglalabanan ng 32 bansa na kasali sa paligsahan na gaganapin sa Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }