171

By

Paras pinanatiling malinis ang San Beda

Sharing is caring!

Wala pa ring mantsa ang San Beda University Red Spikers (3-0), sinakluban ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals 23-25, 25-15, 25-23, 15-17 Huwebes sa The Arena sa San Juan sa pagpapatuloy ng 94th NCAA women’s volleyball action.

Nanguna para sa Beda si Trisha Paras na pumalo ng 19 na puntos habang bumakas naman sina sa Nieza Viray ng 13 puntos. Nag-ambag ng 12 puntos si Cesca Racraquin.

Hindi pa rin makuha ng EAC ang tamang timpla dahil bokya pa rin sila sa tatlong asignatura.

Samantala, ipinoste ng Arellano University Lady Chiefs ang ikatlong sunod nitong panalo.

Madaliang tinapos ng mga bata ni coach Roberto Javier ang laro 25-15, 25-16, 25-12 kontra San Sebastian College-Recoletos Lady Stags.

Gaya na inaasahan, walang kupas para sa Lady Chiefs si Necole Ebuen na humampas ng 15 puntos habang umayuda naman ang senior na si Regine Arocha ng siyam na puntos.

Wala ni isang manlalaro sa Lady Stags ang tumapos ng double digits, tanging ang walong puntos ni Nikka Dalisay ang umangat sa tropa.

Bitbit na ngayon ng Arellano ang 3-0 baraha habang dulas sa 2-1 ang San Sebastian kasosyo ang Benilde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }