55

Sep 26, 2020 @ 12:12
By

Parang walang COVID! Bus nagsisiksik na ng pasahero

Viral sa social media ang post ng isang netizen na bumiyahe patungong Pasay, Taft mula sa Ortigas.

Ayon kay Donniery Cabral, bandang alas-6:45 ng gabi nang sumakay siya sa Jell Transit bus kung saan maayos pa ang pagpapapasok ng tao at nasusunod ang physical distancing.

Ngunit pag-abot daw sa Ayala ay dito na nagsimulang magpuno ang bus at nabalewala na ang 1-meter distancing na tinakda ng gobyerno.

“Ang resulta, nagkadikit-dikit na sa loob at nagtabi-tabi na ng mga upuan.. Hindi na nasunod yung health protocols.. May tumabi pa sa akin pero nung sinabihan ko na mali yung ginagawa nila, umalis siya sa tabi ko,” ayon sa netizen.

Maririnig din ang konduktor ng nasabing bus na pinapausog ang mga pasahero na nakatayo sa loob kahit hindi pa ito pinapayagan dahil sa pandemya.

“Oo, gustong umuwi ng lahat sa mga bahay nila, pero hindi lahat gustong mahawaan ng virus,” giit pa ng netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?