1,494

By

Parang tigre! Ben Tulfo mas matapang ‘pag ‘sugatan’

Binalaan umano si Ben Tulfo na tumigil muna sa mga patutsada, ngunit hindi raw siya ang tipo ng tao na umaatras sa laban.

Sa Twitter ni Tulfo, sinabi nito na sinasabihan siya ng mga kapatid na mag-lie low muna, ngunit sinabing kanyang haharapin ang mga ipinupukol na kontrobersiya kaugnay ng Bitag Multimedia network.

“Except for Erwin, who is out of the country, my other siblings wanted me to tone down. Not me! Truth is, I find strength in solitude. I’m not a non-conformist. A tiger is dangerous when wounded,” saad sa tweet ni Ben.

Matatandaan na inutos ng Palasyo sa Department of Justice na kunin ang P60M na ad deal sa pagitan ng Department of Tourism noong kalihim pa ang kanyang kapatid na si Wanda Teo, at Bitag Network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?