39

Oct 12, 2020 @ 16:33
By

Parang riot! Mga Lakers fan bayolente sa kampeonato

Nauwi sa gulo ang selebrasyon ng mga fan matapos sungkitin ng Los Angeles ang kanilang ika-17 titulo nitong Linggo (Lunes, Manila time).

Sa harap ng Staples Center, home court ng Lakers, nagtipon-tipon ang ilang tagasuporta ng koponan.

Ito’y kahit pa pinagbawal ni LA Mayor Eric Garcetti ang mass gathering dahil sa banta ng COVID-10.

“As we cheer our @Lakers’ 17th championship, please remember it’s still not safe to gather in groups,” ayon sa tweet ng alkalde.

Gayunpaman, hindi nagpapigil ang ilan at sinakop ang kalsada para magsaya sa naturang championship.

Dahil dito’y dumating ang mga pulis, ngunit sinalubong ang kanilang mobile ng tadyak, pamamato at iba pang bayolenteng paraan ng mga Lakers fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?