1,007

By

Parang nanalamin! Pari na ka-lookalike ni Alden, nakita na ang ‘Pambansang Bae’

Nagkadaupang-palad na ni Alden Richards ang dating nag-viral na pari dahil sa pagkakahawig nito sa kanya.

Sa report sa Unang Balita sa GMA, bumisita si Fr. Joseph Panaligan, ang paring nag-viral noong 2018 dahil sa post ni Marjorie Feliciano sa Facebook habang nagbibinyag ang pari at napansin na kamukha ito ni Alden ng netizen, sa set ng taping ng ‘Pambansang Bae’.

Ito ay para makapagpasalamat na rin ang pari sa pagpapatayo ng library sa kanilang lugar sa Urbiztondo, Pangasinan, na naging resulta ng love team nila Alden at Maine Mendoza na Aldub sa noontime show na Eat Bulaga.

Sa pagbisita ni Fr. Joseph, kanyang binigyan ng 100-year old na imahe ng Sto. Niño ang sikat na aktor at isang libro tungkol kay Nuestra Señora Dela Salud.

“Overwhelming, masaya syempre sa pagkakataon na makaharap, at maibigay ang regalo kay Alden,” ayon sa pari. “Sana maranasan niya ‘yung tunay na kaligayahan na nagmumula sa tunay na regalo sa buong mundo, ang ating Panginoong Hesus.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?