292

Mar 21, 2019 @ 18:00
By

Parang high school! Arjo sobra ang kilig kay Maine

Ngayon lang umano nakita ni Ria Atayde na sobrang saya ng kanyang kuya Arjo mula nang makilala si Maine Mendoza.

Sabi pa ni Ria, parang high school student daw umano ang kanyang kuya kung kiligin kay Maine kaya masaya siya para rito.

“I haven’t seen him this happy. My heart is so full for him. Para siyang bumalik sa high school. As in parang, ‘Oh, my God, I’m so kilig!’” saad ni Ria sa PEP report.

Dagdag pa niya, sobra siyang natutuwa dahil sinusuklian ni Menggay ang pagmamahal na ibinibigay ni Arjo.

“Hindi siya one-way. Nakikita mo pareho sila ng equal importance sa isa’t isa. Nakakatuwa ‘yun for me kasi, para sa akin, as long as masaya ang kapatid ko, as long as napapasaya siya ng partner niya, okay sa akin ‘yung partner niyang yun,” kuwento pa ni Ria.

Maraming beses na rin daw silang nagkita ni Maine at na-enjoy nito ang company ng phenomenal star dahil kengkoy din ito gaya nila ni Arjo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?