63

Feb 17, 2020 @ 13:11
By

Parang Finals! Mga NBA player natuwa sa bagong All-Star game format

Dati ay malamya ang depensa sa mga All-Star game at tila tinuturing lang na exhibition game lalo na kapag fourth quarter, na napupuno na ng highlights at nababawasan ang pagiging competitive ng mga manlalaro.

Ibahin ang 2020 NBA All-Star game sa pagitan ng Team Giannis vs Team LeBron.

Sa bagong format ng nasabing laro, kung sino ang lamang ay magdadagdag ang mga official ng 24 points bilang tribute kay Kobe Bryant, at ‘yon ang magiging target score sa fourth quarter, at kapag naabot na ang nasabing score ay iyon ang mananalo.

124 points ang score ng koponan ni LeBron James, 133 naman ang kay Giannis Antetokounmpo, ibig sabihin ay 157 points ang kailangan maabot ng dalawang rival team para manalo sa event.

Dito na tila nag-iba ang tema ng laro, na sa isang punto pa nang tabla sa 152-all ang iskor ay napareklamo ang Team LeBron sa tawag ng referee.

Dahil sa bagong format ay natuwa ang mga NBA player dahil tila NBA finals ang kanilang napapanood na lahat ay seryoso sa laro.

Nanalo ang Team LeBron sa All-Star Game, 157-155, kung saan ginawaran si Kawhi Leonard ng kanyang unang All-Star MVP award sa kanyang 30 points, seven rebounds, four assists, two steals performance.

Samantala, tumapos naman si LeBron tangan ang 30 points, seven rebounds, four assists at two steals.

Nanguna naman si Giannis sa kabilang koponan, tumapos ng may 25 points, 11 rebounds, four assists, three blocks at one steal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?