21

Mar 19, 2021 @ 17:41
By

Parang ‘di nadisgrasya! Kielvj bida ng Execration vs Omega

Hindi napigil ng aksidente si Kiel ‘Kielvj’ Hernandez at nagawa pang makapaglaro sa opening game ng MPL Philippines Season 7.

Matapos madisgrasya nang mabagsakan ng double-deck bed, nakasalang sa laban si Kielvj para pamunuan ang Execration kontra sa MPL-PH S6 runner-up na Smart Omega.

Sa unang laro ay nanggulat ang Omega sa kanilang full mage lineup, lumamang pa sa laro tangang ang 5-2 lead papasok sa 10 minutes ng laban, nasa 3,000 ang abante sa gold.

Sinubukan ng Omega na kuhanin ang Lord, ngunit naamoy ito ng Execration at nagsimula ng team battle.

Nagsimula nang magpakitang-gilas si Kielvj na nakasungkit ng double kill at makuha pa ang Lord.

Simula nito ay napunta na ang momentum sa Execration at tuluyang nakuha ang Game 1.

Sa Game 2 naman, naging dikit ang laban, ngunit nahirapang maka-set ang Omega dahil sa mga save ni Chaknu sa kanyang mga teammate.

Nang magkaroon na ng item ang rookie ng EXE na si Kelra ay nagsimulang malusaw ang OMG at nakumpleto ang 2-0 sweep.

Tinanghal na MVP si Kielvj sa kanyang K/D/A sa Game 2 na 8/0/7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?