108

Feb 24, 2020 @ 19:05
By

Parak swak sa sabong sa Pangasinan

Arestado ang isang pulis matapos maaktuhang nagsasabong sa loob ng cockpit arena sa Basista, Pangasinan noong Sabado.

Hindi pinangalanan ang 41-anyos na pulis na miyembro ng Police Mobile Force Company (PMCF) 2ND Company ng Tayug, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, ayon sa Basista Police Station (BPS), nagsasagawa sila ng daily routine operation at naaktuhan ang alagad ng batas na nagsasabong at sumisigaw pa umano habang naglalaban ang dalawang manok.

Napag-alaman na isinailalim sa monitoring ang naturang police ng intelligence unit ng BPS.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng BPS ang pulis na suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?