36

Mar 12, 2020 @ 18:42
By

Parak swak sa online sabong

Timbog sa akto ang isang pulis sa pagtataya sa online sabong sa Dubinan West, Santiago City, Isabela noong Martes ng gabi.

Kinilala sa Santiago City Police Station (SCPS), ang suspek na si P/Staff Sgt. Cecilio Espiritu, 48, residente ng Abra ng nasabing siyudad.

Bago manygari ang operasyon, nakatanggap umano ng intelligence report ang SCPS na ang suspek ay nasa aktong naglalaro bandang madaling-araw ng online sabong sa UFCC SABONG. COM GLOBAL.

Dahil dito, agad na nagresponde ang pinagsanib na operatiba ng Regional Investment Management Enforcer Team, Regional Highway Patrol Unit 2, City Investigation Branch, Santiago City Police Office at inaresto si Espiritu sa loob building ng online na sabungan.

Dinala sa SCPS ang suspek at nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standards at PNP Memorandum Circular 2017-013 o PNP Internal Cleansing Strategy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?