13

Feb 21, 2021 @ 21:26
By

Parak sugatan sa pagsabog sa GenSan

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang isang pulis matapos aksidenteng sumabog ang karerekober pa lang na granada sa loob ng himpilan ng pulisya sa General Santos City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si P/Cpl. Samson Cael.

Ayon sa ulat, nalaglag ang blasting cap ng granda habang itine-turn over ito sa pulisya ng mga tanod sa Barangay Bula ng naturang probinsya.

Agad namang binukuran ng mga awtoridad ang himiplan bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?