41

Jul 31, 2021 @ 17:07
By

Parak sa Negros sibak sa sugal

Sibak ang isang pulis sa Negros Occidental matapos mahuling kasama sa isang iligal na pasugalan noong Hulyo 25.

Kinilala ang pulis na si Master Sgt. Bebzie Nicor, na nakadestino sa Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) headquarters.

Si Nicor ay nahuli kasama ang lima pang katao na nag-oorganisa ng isang pasugalan sa Barangay Quiwi, bayan ng Hinigaran.

“I do not tolerate (this) so effective immediately while being investigated, I relieved her from my office for the conduct of an impartial investigation,” pahayag ni Col. Romy Palgue, director ng provincial police.

Kakasuhan umano si Nicor ng paglabag sa Presidential Decree 1602.

“We have a standard and there is guidance from the PNP chief. In fact, our President (Rodrigo Duterte) has a pronouncement on the involvement of police officers in gambling activities,” dagdag pa ni Palgue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?