47

Nov 15, 2021 @ 18:56
By

Parak sa loob ng skul alalay ng opisyal – DepEd

Pinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang pulis na naispatan sa loob isang paaralang sumalang sa pilot implementation ng face-to-face class ngayong Lunes ay kasama ng isang lokal na opisyal na bumisita sa paaralan.

“Based on the field report, the police officers were part of the security detail of an LGU [local government unit] official who visited the school,” saad sa pahayag ng DepEd.

Ito ang depensa ng DepEd matapos kumalat ang larawan ng isang armadong pulis sa loob ng isang silid-aralan sa Longos Elementary School sa Pangasinan.

Ngayong Nobyembre 15 ang unang araw sa pilot implementation ng face-to-face class sa buong bansa.

Isa ang Alliance of Concerned Teachers sa mga nagreklamo sa naturang larawan sapagkat labag umano ito sa ‘Schools as Zones of Peace’ Order na inilabas ng DepEd noong 2005 at 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?