167

Jun 14, 2020 @ 16:45

Parak pinakyaw saging ni lolo

Agaw-atensiyon sa social media ang isang pulis na hinarang ang isang tatang na naghahanap-buhay nang marangal.

Kwento ni police officer Jojo Paguia, Hunyo 5, natiyempuhan niyang naglalako ng saging ang isang lolo na mula Calamba, Laguna.

“Hindi ko kayang tiisin na hindi pakyawin lahat ng kanyang paninda kahit hindi ko naman talaga dapat bilhin.”

May ‘di bababa sa 7 piling ng mga saging sa lalagyan ng matanda.

Binigyan aniya niya ng P500, bigas at noodles ang tatang kapalit ang nilalako nitong saging.

“Ang pakyawin lahat ng dala niya ang magpapatigil sa kanya sa pagbubuhat. Ang iba kasi inaabutan lang siya ng pera. Ganun din, magpapagod uli si tatang,” lahad pa ng parak.

May mga nagkwento aniya na nahihimatay paminsan ang matanda habang iniikot ang mga barangay para maibenta ang mga saging.

Dahil dito, ayon naman sa FB page Pilipinas Trending Viral, naluha umano ang matanda. ‘Di na rin umano kinuha ng pulis ang sukli.


“God bless you sir, sana marami pang katulang mong mga Pulis. Saludo po kami sa’yo,” wika pa sa post ng FB page, na umani na ng 222,000 reactions, 126,000 shares, at 35,000 comments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?