25

Oct 11, 2021 @ 21:53
By

Parak nililinis baril, naputukan sarili

Isang pulis na nagpapagaling sa COVID sa isang ospital sa San Jose City, Nueva Ecija ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa ulo nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si S/Sgt. Reynante Menia, 43-anyos at residente ng Barangay Villa Joson sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nililinis ni Menia ang kanyang caliber 9mm Pietro Beretta pistol nang pumutok ito habang nakatutok pa sa kanyang ulo.

“Menia died on the spot after he accidentally shot himself, while cleaning his caliber 9mm Pietro Beretta pistol which he regularly does,” saad sa ulat ng mga imbestigador.

“The lifeless body of the victim was then found with a gunshot wound on his head,” dugtong pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?