17

Sep 19, 2021 @ 22:08
By

Parak nanghingi kwarta para mag-ayos kaso, timbog

Bistado sa isang entrapment operation ang isang police master sargeant sa Cauayan City, Isabela ngayong Linggo sa kanyang modus na paniningil ng pera mula sa pamilya ng naarestong drug suspek kapalit ng pagluluto ng kaso nito.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sergeant Sherwin Gamit, 38-anyos at nakadestino sa warrant section ng Cauayan City police.

Huli si Gamit sa entrapment operation sa aktong nangingikil ng P300,000 mula sa kamag-anak ng isang drug suspek para ayusin ang kaso nito.

Nakumpiska mula sa suspek ang P5,055, mga resibo, PNP ID, ATM card at isang ID case.

Samantala, sa kanyang kotse ay nakuha ang P300,000 marked money, isang caliber .22 handgun na walang serial number at isang caliber 9mm police service firearm.

Nahaharap siya ngayon sa mga kasong robbery-extortion at illegal possession of firearms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,