181

Mar 7, 2021 @ 21:47
By

Parak nakabangga, kinuyog ng mga residente ng Cavite

Tanggal sa serbisyo ang isang pulis matapos niyang magpapautok ng baril dahil kinuyog siya ng mga residente sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend, nakabangga ng sasakyan ang suspek na si Police Staff Sergeant Ismael Dulin, miyembro ng Warrant Section ng Dasmariñas Police, na sinubukan niya umanong takasan dahilan para pagbabatuhin siya ng mga residente.

Dahil dito, naglabas ng baril si Dulin at nagpaputok nang maraming beses.

Nagtakbuhan naman papalayo ang mga tao dahil sa takot.

Ani Dulin, itatabi lang naman niya ang kanyang tsikot at nilinaw na wala siyang balak takasan ang nabangga niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?