29

Oct 13, 2021 @ 14:55
By

Parak nagtitinda tocilizumab ng P95K, kalaboso

Nahaharap sa posibilidad na matanggal sa serbisyo ang isang parak na nahuli ng NBI na ilegal na nagbebenta ng tocilizumab sa mataas na halaga.

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Ariel Yalung.

Ayon sa ulat, P95,000 nag presyo ni Yalung sa kanyang ibinebentang tocilizumab.

Malayo ito sa suggested retail price na P25,000.

“Ngayon pa lang ay tinitiyak ko na matatanggal sa serbisyo ang dalawa sa aming kasamahan dahil sa kalokohang kinasangkutan nila,” pahayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ang isa pang binabanggit ni Eleazar sa kanyang statement ay si Police Staff Sgt. June Angeles, na napag-alamang nanghihingi ng pera sa asawa ng isang nakakulong.

“Nakakulong na at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis na ito at ipinapangako natin sa ating mga kababayan na patuloy ang aming gagawing paglilinis ng mga anay sa aming hanay,” wika pa ni Eleazar. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?