33

Jun 1, 2020 @ 12:57
By

Parak na COVID-positive higit 300 na

Umakyat na sa 315 ang kabuuang bilang ng mga pulis sa bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019.

Sa datos hanggang Linggo ng gabi, sinabi ng Philippine National Police Health Service na 163 pulis na ang gumaling habang nananatili sa 4 ang mga yumao.

Binabantayan umano nila ang 696 probable case at 677 suspect case.

Matatandaang noong nakaraang linggo, binanggit ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na higit 60% ng mga nahawang pulis ang mula sa National Capital Region Police Office at nakatalaga umano sa mga checkpoint.

Binuksan na rin ng PNP ang COVID-19 testing center nito sa Camp Crame na layong mapabilis ang paglabas ng virus test result ng kapulisan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?