13

Oct 25, 2020 @ 14:43
By

Parak na COVID-positive halos 7K na

May 43 kaso ng COVID-19 na nadagdag sa hanay ng kapulisan, kaya ang kabuuang bilang ng mga pulis na nahawa sa sakit ay 6,998 na.

Inulat din ng Philippine National Police (PNP) Health Service kagabi, Oktubre 24, ang 70 bagong gumaling sa coronavirus, kaya umakyat ang total nito sa 6,384.

Samantala, nananatili naman sa 22 ang mga parak na yumao dahil sa virus.

Una nang sinabi ng Joint Task Force COVID Shield na magpapakalat pa ito ng mas maraming pulis sa mga kalsada ngayong lalong niluluwagan ang mga quarantine restriction sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?