15

Oct 12, 2021 @ 14:10
By

Parak na binoga binatilyo tanggal sa serbisyo

Tinanggal na ng Philippine National Police (PNP) sa serbisyo ang pulis sa Valenzuela City na bumaril sa isang binatilyong may special needs sa isang operasyon noong Mayo.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, tinanggal na sa serbisyo si Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo batay sa naging pagsusuri ng kanilang Internal Affairs Service sa nangyaring insidente.

“I have signed the order for the dismissal from the service of PSMS Salcedo for grave misconduct and less grave irregularity in the performance of duty,” pahayag ni Eleazar.

Nasampahan na umano ng kasong administratibo si Salcedo sa pagbaril nito sa 18-anyos na si Erwin Arnigo sa kalagitnaan ng anti-illegal gambling operation.

Samantala, tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI upang masampahan din ang pulis ng kasong kriminal.

Dugtong pa ni Eleazar, ilan sa pinagbatayan sa pagtanggal kay Salcedo sa serbisyo ay ang paglabag nito sa Police Operational Procedure at ang pagkakaroon ng biktima ng special needs.

“Arnigo should not have been arrested by Valenzuela City police personnel, particularly Salcedo, the teenager having no involvement with the tupada,” ayon kay Eleazar. “Being a person with autism spectrum disorder, he could not have knowingly taken part in the illegal gambling activity.” (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,