52

By

Parak dedo sa riding-in-tandem

Sharing is caring!

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director, Chief Superintendent Joel Coronel ang biktima na si Police Officer 1 Manuel Cabusao.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Tomas Mapua at Remigio Street, ala 10:00 Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot si Cabusao bunsod ng limang tama ng baril sa katawan.

Papunta sa isang tindahan ang pulis nang dumating ang suspek sa Sta. Cruz at biglang pinagbabaril ang biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?