67
Paraglider patay nang bumagsak sa bangin
By

Paraglider patay nang bumagsak sa bangin

Isang paraglider ang nasawi matapos na bumulusok sa 650 talampakang bangin.

Nitong Linggo ay sinusubukan ng mga Australian Police na irekober ang katawan ng namatay na paraglider.

Saad ng kapulisan, ang paghahanap sa labi ng paraglider noong Sabado ay naantala dahil masyadong madilim at patuloy namang nirerekober ang bangkay ng biktima ngayong Linggo.

Naganap ang insidente sa Bald Hill.

Ayon sa local media, maaaring ang 50-anyos na biktima ay hinangin pabalik hanggang sa mahulog ito sa bangin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?