146
TNT-ABANTE-TONITE-iran
Sep 23, 2018 @ 15:41
By

Parada sa Iran, inulan ng bala: Abot 29 patay, lampas 60 sugatan

Walang habas na namaril ang ilang militante na nagpanggap na mga sundalo sa taunang military parade sa Ahvaz, Iran na tinatayang pinakamadugong terrorist attack sa bansa sa huling dekada.

Nakita pa ang pag-atake sa state-run live television na dinig na dinig ang pamamaril sa ilang kababaihan at kabataan sa parada at tinatayang abot 29 ang napaslang, samantalang sobra sa 60 ang nilalapatan ng lunas.

Inako ng mga Arab separatist ang nasabing insidente at nagpahayag ng matinding aksiyon si Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif laban sa mga bansang nagpondo umano sa mga separatist tulad ng Britain, Denmark at Netherlands.

“Iran will respond swiftly and decisively in defense of Iranian lives,” saad ni Zarif sa Twitter.

Napatay naman umano ang apat na gunman, tatlo ay nasawi sa kasagsagan ng terror attack samantalang ang isa ay binawian ng buhay sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?