333

By

Para sulit ang P50M! Mga kurakot gawing panggatong sa higanteng kaldero – Ethel Booba

Isang paraan lang ang naiisip ng komedyanteng si Ethel Booba para makabawi sa P50-million na ginasta para sa 2019 Southeast Asian Games stadium cauldron.

Ito ay ang gawing panggatong at sunugin sa tinawag niyang ‘kaldero’ ang mga korap na opisyal ng gobyerno.

“Sulit ang cauldron kung corrupt officials ang gagawing pang gatong sa apoy. Charot!” ayon kay Booba.

Matatandaan na binanatan ni Senate minority leader Franklin Drilon ang cauldron dahil sa ginastos para dito.

Dinepensa naman ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee head Alan Peter Cayetano na hindi basta-basta ang nasabing ‘kaldero’ dahil aniya’y monumento ito at work of art.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?