379
west-philippine-sea
Jul 17, 2019 @ 12:04
By

Para sa WPS: Duterte pasaklolo na sa Amerika kontra China

Sasandigan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas sa Amerika para mapigilan ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa panayam ni Duterte kay Pastor Apollo Quiboloy, kanya nang tatawagan ang Amerika para harapin ang China.

“I’m calling now America. I’m invoking the RP-US pact. I would like America to gather all their 7th Fleet in front of China. I’m asking them now. I will join them,” saad ng Pangulo.

Isasama din umano ni Duterte sina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa giyera.

Kilala ang dalawa na kritikal sa mga aksyon ng Pangulo sa isyu sa West Philippine Sea.

“But I will drag along this Carpio and the rest of the — Albert. And… And when America will say that, “We are here now,” and I said ‘Ready? Ready? Can I have the honor, admiral?’ I will press the…,” lahad ni Duterte.

“And maybe that will be the end of Palawan. Palawan will be devastated, then they occupied or if there will be nuclear bombs, then we would dry up. So nothing will go here, we can just wait for just like a big hole coming our way to suck us to eternity,” aniya pa.

Ang mutual defense pact sa pagitan ng dalawang bansa ay nagawa noon pang 1951 para magtulungan ang dalawa sa oras ng pakikipagdigma sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?