68

Apr 28, 2020 @ 12:16
By

Para sa social distancing, pulis nagpinta sa daan

Pinuri ng madla ang naging hakbang ng mga awtoridad sa Baguio City na maglagay ng physical distancing markers sa mga pampublikong kalsada laban sa pagkalat ng COVID-19.

Sa mga larawan ng Baguio Midland Courier, makikitang magkakalayong nakapila ang mga mamimili, na nakasuot ng face mask at nakatindig sa loob ng mga bilog na may footprints.

Ang mga marker ay pininta sa mga daanan papunta sa public market para matiyak na mapatutupad ang physical distancing doon.

Ginawa ito ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, katuwang ang lokal na gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?