723

Oct 11, 2021 @ 13:35

‘Para sa pamilya’: Chavit, manugang umatras sa pagkandidato sa Ilocos Sur

Umeksit sa kandidatura sina Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson at manugang niyang si Patch Savellano-Singson na silang target sana maging vice governor at governor ng Ilocos Sur.

Ani Chavit, umatras siya sa kandidatura para sa kanyang pamilya.

“Nag-withdraw kami ni Patch…For the sake of the family. Kalimutan lahat,” wika niya sa kanyang Facebook Live.

Ayon sa ulat, inasikaso na ni Chavit sa kanilang Comelec provincial office ang kanyang pag-atras sa 2022 local elections.

Samantala, kasama naman ni Pat si Ryan na siyang anak ni Chavit.

Una nang naghain ng certificate of candidacy si Chavit noong nakaraang linggo para sa pagtakbo niya bilang vice governor laban kay Ryan na siyang outgoing governor ng naturang probinsya.

Samantala, kakalabanin naman ni Patch si Jerry, nakatatandang kapatid ni Chavit, sa pagka gobernador. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?