152

By

Para sa pamamahalang tapat, naglilingkod at may pananagutan

Nasa 448 local go­vernment units (LGUs) ang binigyan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong 2017. Bukod sa pagkilala, may insentibong Performance Challenge Fund ang 359 munisipalidad, 61 siyudad, at 28 probinsya na kanilang magagamit sa pagpapatupad ng ilan nilang programa.

Nakatanggap ng SGLG ang pitong bayan ng Cavite: Carmona, Kawit, Magallanes, Maragondon, Naic, Rosario, at Silang. Nakamit din ang SGLG ng tatlong lungsod ng probinsya na pinangungunahan ng Bacoor kasama ang Imus at Dasmariñas.

Ang SGLG (dating Seal of Good Housekee­ping o SGH) ay isang taunang programa ng DILG na naglalayong palakasin ang katapatan at kahusayan sa paglilingkod ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa bilang pagtupad sa panata ng Pilipinas sa Open Go­vernment Partnership na inilunsad noong 2011 upang itaguyod ang mga reporma at pagbabago sa mga pamahalaan sa iba’t ibang bansa.

Sa kasaysayan ng programang ito ng DILG, limang beses nang nagawaran ng pagkilalang ito ang Bacoor – simula nang naninilbihan pa tayong mayor noong 2011 na sinundan noong 2012, 2015, 2016, at ngayon ngang 2017.

Bonus o insidental lang ang mga naturang gawad sa paggampan natin sa ating tungkulin na maisulong ang pag-unlad ng Bacoor at mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga Bacooreño. Noon pa man, palaging nangingi­babaw sa ating pamumuno ang katapatan, pananagutan, at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga nasasakupan.

Basehan sa SGLG ang kahusayan ng lungsod sa good financial housekee­ping, disarter preparedness, at social protection. Hindi rin nagpapahuli ang lungsod pagdating sa larangan ng business-friendliness and competitiveness, peace and order, at environmental management.

Ang lungsod ay sumusunod sa mga pamantayan, patakaran, at regulasyon ng accounting at auditing ng Commission on Audit; nagpapakita ng kahandaan sa mga kalamidad; tumutugon sa mga kapakanan ng tinatawag na ‘vulnerable sectors’ tulad ng senior citizens, persons with disabilities, kababaihan, at kabataan; naisusulong ang pag-unlad ng mga negosyo, lalo na ang pagmamay-ari ng maliliit na negosyante; napananatili ang peace and order; at napangangalagaan ang kapaligiran.

Kasabay ng malugod nating pagbati sa City Government of Bacoor, mula sa pinakaunang empleyado at manggagawa hanggang sa mga opisyal, konsehal, at kay Mayor Lani Mercado-Revilla, binabati rin natin ang iba pang matagumpay na LGUs.

Congratulations and keep up the good work!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?