231

Apr 25, 2020 @ 22:23
By

Para sa pagkakaisa! Imelda dumepensa sa pagkanta sa ‘Iisang Dagat’ ng China

Nagsalita si Filipino music icon Imelda Papin matapos siyang batikusin nang makibahagi sa music video na nilabas ng Chinese Embassy sa Maynila.

Ang “Iisang Dagat” ay music video para manawagan ng pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas at China ngayong coronavirus pandemic pero ilan sa mga netizen ang hindi ito kinatuwa dahil propaganda raw ito ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Papin sa pinadalang mensahe sa reporter na si Mario Dumaual, hindi raw dapat lagyan ng kulay ang music video dahil tungkol aniya ito sa pagmamahal at pagkakaisa.

“Dapat huwag bigyan ng kulay. Kasi mababa ang morale ng tao ngayon… Ngayon ang panahon na dapat magkaisa at wala na munang away,” giit niya.

“Bakit i-criticize ang participation ko? Bakit hindi sila kumibo sa mga tulong na binibigay ng China –doctors, protective equipment, etc. Bakit ako? I pray for everyone and as Filipinos let us all pray together and healed as one! Hindi ako sumingil kahit isang centavo. For love and unity,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?