85
Para sa mga Fil-Am sa Nevada: Caucus materials gagawing Tagalog
Nov 26, 2019 @ 14:29
By

Para sa mga Fil-Am sa Nevada: Caucus materials gagawing Tagalog

Inaprubahan ng Democratic National Committee ang plano ng Nevada Democrats na magkaroon ng mga caucus material na Tagalog para sa lumalaking populasyon ng mga Filipino-American.

Maliban sa nabanggit, nasa plano rin ang magkaroon ng early voting option para sa presidential nominating meetings, na layong maging accessible ang in-person presidential nominating meetings.

Ayon sa state party’s chairman na si William McCurdy II sa US News, ang primary goal nito ay para masiguro na mas maraming Nevada Democrats ang mabigyang oportunidad na marinig ang kanilang boses.

Plano rin dito na ilabas ang raw vote totals mula sa caucus at makagamit ang mga caucus worker ng app sa halip na papel para i-record at i-transmit ang mga resulta sa party officials sa 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?