153

By

Para sa mga fan: Emilia Clarke pinilit maghubad sa Game of Thrones

Dama ni Emilia Clarke ang pressure sa unang big project niya matapos ang drama school, lalo pang nakadagdag sa nararamdaman ay ang nude scene nito para sa hit TV series na ‘Game of Thrones’.

Sa ‘Armchair Expert’ podcast ni Dax Shepard, nag-open up si Clarke sa naramdaman habang ginagawa ang mga nude scene para sa TV series kung saan kasama niya sa eksena ang sikat nang Hollywood actor na si Jason Momoa.

“I’d been on a film set twice before then, and I’m now on a film set completely naked with all of these people, and I don’t know what I’m meant to do and I don’t know what’s expected of me, and I don’t know what you want and I don’t know what I want,” paliwanag ni Clarke.

Nakatulong aniya sa kanya si Momoa na inaalalayan sia sa kanilang mga nude scene.

“He was always like, ‘Can we get her a f*cking robe? She’s shivering!’… He was so kind and considerate and cared about me as a human being,” aniya pa.

At sa kasagsagan ng serye, may mga pagkakataon umano na pinipilit siyang maghubad at ginagamit pa ang mga fan para magpakita siya ng laman.

“I’ve had fights on set before where I’m like, ‘No, the sheet stays up,’ and they’re like, ‘You don’t wanna disappoint your ‘Game of Thrones’ fans.’ And I’m like, ‘F*ck you,’” sey ni Clarke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?