95

By

Para sa mga earthquake victim: Moira nag-birthday bilang barista

Bilang tulong sa mga nasalanta ng pagyanig sa Mindanao, naging barista si singer Moira Dela Torre sa isang milk tea shop sa Makati sa kanyang 26th birthday.


Pinost sa Instagram ni “Barista Moi” ang ilang larawan kasama ang mga tauhan ng “Macao Imperial Tea” sa Makati Ayala Columns, Nobyembre 4.

Mayroon din itong pulang donation box na naka-label na “for Mindanao.”

“So many lost their homes and loved ones. They also don’t have access to water among so many other things… and so for my birthday I wanna ask for your help to send whatever amount you can to them,” sey ni Moira.

“This will be the best gift. Sending my love and prayers to everyone affected,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?