16

Jun 19, 2020 @ 15:09
By

Para sa mga bata, Jasmine Curtis-Smith tatakbo

Iniisip ni Jasmine Curtis-Smith ang edukasyon at kalusugan ng kabataan, kaya naman nagdesisyon na itong tumakbo.

Sasali ang aktres sa pinakaunang virtual run para sa mga bata na nilunsad ng World Vision Philippines. Hindi one-time event ang “virtual run”; pwede itong gawin nang ilang beses at kahit saan basta maabot ang target na distansya.

Layon ng event na hikayatin ang madla na maging malusog habang may community quarantine sa bansa.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan ng World Vision sa pamimigay ng back-to-school kits o family sanitation kits para sa mga pinakabulnerableng bata at komunidad na tinutulungan ng grupo.

Kailangan makumpleto ng mga kalahok ang kabuuang 21K (kilometro), 50K, 100K o 200K distansya mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 31. Pwede silang maglakad o tumakbo sa loob o labas ng bahay, alinsunod sa quarantine protocol sa kanilang lugar.

Bukod kay Jasmine, lalahok din sa virtual run si aktor Enzo Pineda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?