8

Jul 14, 2020 @ 15:25
By

Para sa kalakalan, Duterte bubuksan PH border

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang borders ng bansa para sa pagpasok ng kalakalan mula sa mga kapitbahay nating bansa.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Camp Teodulfo Baustista headquarters sa Jolo, Sulu nitong Lines.

Sinabi ng Pangulo na maari na niyang buksan ang borders para makapasok ang mga negosyo pero kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga sundalo laban sa mga pirata.

“May dalawang taon pa tayo. I’m ready to open the borders,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente kay dating Sulu Governor Abdusakur Tan na malaking pera ang kikitain sa coal o uling pero kailangan aniyang matiyak na hindi maa-ambush ang kanyang mga sundalo sa sandaling buksan ang borders para sa pagpasok ng kalakalan.

“But if there’s a way we can arrange another–maski bigtime coal tapos yung safe passage lang ng mga sundalo ko na hindi sila ma-ambush,” dagdag ng Pangulo.

Naniniwala si Pangulong Duterte na mas mahalaga ang coal kaysa sa solar technology at mas malaki ang magiging malaki ang kita dito ng mga taga-Mindanao.

“Alam mo ang pinaka ano is coal. Maraming mas bigtime na negosyo. If we can just, then they can participate in the…tayo ang mag-usap. Kung yayaman ka diyan, mas maligaya ako,” wika ng Pangulo kay Tan.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang tinutuloy ng Pangulo ay ang economic integration ng mga bansang kasapi hg Association of South East Asian Nations (ASEAN).

“That’s about the economic integration that is being implemented through ASEAN. That’s a zero to minimum tariff for intra-ASEAN trade, it’s a common market,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?