108

Jul 26, 2021 @ 21:34
By

Para sa Duterte selfie: Mga dumalo sa SONA nakalimot sa distancing

Dahil sa kasabikang magpalitrato kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang bisita kabilang ang mga mambabatas, ang hindi nakasunod sa social distancing sa huling State of the Nation Address (SONA) ng Chief Executive.

Matapos kasi ang halos tatlong oras na talumpati, bumaba ang Pangulo sa House plenary floor para batiin ang mga dumalo nang personal sa kanyang SONA.

Ngunit nagsimula na siyang lapitan ng mga bisita para magpalitrato.

Matatandaang pinayagan lamang dumalo sa huling SONA ni Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City nitong Lunes ang mga fully vaccinated na o kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?