54

By

Para sa bayan! Standhardinger walang pahinga, sabak agad sa PH team

Sharing is caring!

Ilang torneo na ang pinaglaruan ni Christian Standhardinger, sumabak sa Asean Basketball League, lumaban sa Jones Cup, larga sa PBA, at sumalang sa Fiba Asia Cup.

At kahit aminadong nanghihingi na ang kanyang katawan ng pahinga, kailangan pa rin nitong gumising ng maaga at mag-ensayo bawat araw, lahat ay para sa bayan.

Kasama ang Fil-German sa Team Pilipinas pool, at kung sakaling makasama sa Final 12 ay muli na naman itong mapapasabak sa laban.

“Obviously, my body needs the break but the country called so in one month, I still have to be ready and in shape. I can’t rest yet,” pakli ni Standhardinger.

“I don’t know how long I’ve played. I played Gilas, Hong Kong, Gilas, PBA. I’ve been playing for 17 months. It feels like forever,” dagdag pa niya.

Ngunit wala pa ring reklamo ang maririnig mula sa San Miguel forward, sambit na lulubusin na lang niya ang pahinga pagtapos ng next window.

“I’m trying to get in shape and get better. Then, after the window, I’ll try to get my free time and recovery time and I hope that would not be a problem,” saad ng 2017 top pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?