560

Dec 21, 2019 @ 15:21
By

Para rin akong ina na nasaktan para kay Bong Revilla – Lolit kay Lotlot

Nagpaliwanag ang talent manager na si Lolit Solis kung bakit niya binatikos si Janine Gutierrez matapos mag-react ang Kapuso actress sa pagbabalik-telebisyon ni Senador Bong Revilla.

Sa kanyang Instagram post nitong Dec. 21, sinabi ni Lolit na alam niya ang nararamdaman ng inang si Lotlot de Leon sa pagkanti niya kay Janine.

Iyon daw kasi ang naramdaman niya nang mabasa ang mga pangba-bash kay Revilla matapos ang “Oh God” comment ni Janine laban sa senador.

Hindi raw niya intensiyon na maliitin si Janine pero ngayon ay alam na niya na hindi matatanggap ng dalaga si Bong ay nirerespeto niya ito at hinahangaan ang pagiging open sa kanyang nararamdaman.

Sa bandang huli ay nag-sorry si Lolit kay Lotlot.

“I know iyong feeling ni Lotlot de Leon sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya. I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang,” ani Lolit.

“Tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din. But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

I know iyon feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya besh. I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang. In fact, sinulat ko nun how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya. Lagi kong sinasabi, iyon mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, OK lang, natatawa pa nga ako kung minsan dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know. I cannot be judgemental in the sense na ang dami ko rin palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa. If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko. Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede sila magalit sa writer, magsalita, pero pag kapwa nila artista dapat maingat sila. Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami. Kung mali ako dun, sorry. As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs. At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din. But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?