367

Jul 12, 2021 @ 12:40
By

Para puwedeng maraming asawa! Aljur mag-Muslim na lang – Robin Padilla

Kakaiba ang naging payo ni Robin Padilla para maayos ang relasyon ng kanyang anak na si Kylie Padilla, at mister nitong si Aljur Abrenica.

Sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Robin na wala siyang karapatang magpayo sa mag-asawa dahil nagkahiwalay din sila noon ni Liezl Sicangco, ang nanay ni Kylie.

Ngunit ayon kay Robin, isa sa kanyang mungkahi kay Aljur noon ay mag-Muslim na lang ito.

“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko?” lahad ni Robin.

“Sabi ko, ‘Pag-Muslimin mo na lang si Aljur’,” aniya pa.

Sa kultura ng mga Muslim, pinapayagan ang polygamy o pagkakaroon ng higit sa isang asawa.

Gayunpaman, hiling pa rin ni Robin na magkaayos ang dalawa para sa kanilang dalawang anak.

“Pero sana huwag tumagal. Kung magbabalikan sila, ‘wag nilang patagalin. Kailangan kaagad,” sambit ni Robin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?