95
Para patunayang ligtas sa ASF: Mga residente sa Caraga, nag-boodle fight
Dec 15, 2019 @ 16:10
By

Para patunayang ligtas sa ASF: Mga residente sa Caraga, nag-boodle fight

Pinagtibay ng ‘Pinoy Pork is Safe to Eat’ campaign sa pamamagitan ng boodle fight ng mga residente, opisyal ng National Meat Inspection Services (NMIS-13), Department of Agriculture, at City Veterinary Office (CVO) sa Caraga Region na ligtas kainin at walang African swine fever (ASF).

Naganap ang boodle fight noong Biyernes na kung saan kasama sina NMIS-13 technical director Dr. Dario Bonifacio B. Canillas, DA-13 regional executive director Abel James I. Monteagudo, at CVO chief Dr. Mancio Danilo A. Alegado at mga residente ng Caraga para ipakita na ligtas ang karneng baboy at anumang meat products ng Caraga.

Ayon kay Canillas, layunin nito na masiguro sa mga residente ng Butuan City at sa buong Caraga Region na ang ating pork meat product ay ligtas.

Nabatid na ang mga supplier mula sa Butuan City ay nagde-deliver ng mahigit 100 karne ng baboy sa mga pamilihan at ilang meat outlet kaya katuwang ang NMIS, DA at CVO na sinisigurong ligtas kainin ang mga karne.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?