35

Nov 19, 2020 @ 9:13
By

Para matuto ng malasakit, GMRC ibabalik sa Maynila

Gustong ipanumbalik ng Manila City government ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) subject sa lahat ng mga paaralan sa lungsod.

Sinabi ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa pulong kasama ang mga opisyales ng Department of Education (DepEd) at Division of City Schools (DCS) Manila, Martes.

“While we argue, while we disagree, but there is a certain level of respect among each other, sa tingin ko tatamaan lahat ‘yun: na kapag alam niyang may mali, alam niyang hindi niya dapat gawin iyon,” wika ng alkalde.

“Ang malasakit kasi, it’s a big word. Marami nang nakapaloob doon – respeto, pagpapahalaga, disiplina. When you care, you’ll understand naturally ultimo ‘yung maliliit na bagay,” aniya pa.

Sinabi ito ni Moreno kasunod ng pagkakapasa ng Republic Act 11476 na layong ibalik ang GMRC at Values Education bilang hiwalay na asignatura sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 12.

Sa parehong pulong, winika ng alkalde na magtatayo rin ang lokal na gobyerno ng mga laboratoryo para mapalakas ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) program para sa mga senior high school student.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?