18

Aug 20, 2020 @ 16:35

Para matapos korapsyon: Lahat ng PhilHealth regional director sibakin – Gordon

Mas makabubuting palitan na ang lahat ng regional director ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isang paraan para matapos na ang katiwalian sa state insurer, ayon kay Senador Richard Gordon.

“Dapat drain the swamp. Tanggalin lahat ‘yung mga regional directors,” pahayag ni Gordon sa panayam sa ANC matapos tanungin kung ano ang mairerekomenda niya para maayos ang isyu ng korapsyon sa PhilHealth.

Sabi ni Gordon, ilan aniya sa mga regional director ng ahensiya ay halos dalawang dekada nang nakakapit sa kanilang posisyon hanggang ngayon.

“Some of the regional directors have been there for 20 to 22 years. Doon mo makikita ‘yung upcasing, tinataas nila ‘yung presyo, ‘yung mga binibigay nila na presyo nagkakaroon sila ng favoritism,” ani Gordon.

Bukod sa pag-alis sa mga opisyal, dapat din umanong magbuo ng monitoring group na siyang magbabantay sa paggastos ng pondo ng PhilHealth.

“Dapat magkaroon tayo ng monitoring every week ng mga sina-submit. Makikita mo, ilan ang binibigay sa doctor na ito, ilan ang binibigay sa hospital na ito,” ayon kay Gordon.

“Malalaman natin ngayon. Magkakaroon tayo ng pattern kung ano ang ginagawa nila,” dugtong pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?