12

Oct 14, 2021 @ 16:48
By

Para makapagtrabaho! Alert level status sa NCR niluwagan – Palasyo

“Kailangan nating bigyan ng hanapbuhay ang ating mga kababayan. Hindi puwede lagi na lang tayong lockdown dahil hindi tamad ang mga Pilipino.”

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa naging desisyon na ilagay na sa Alert Level 3 ang alert level status ng Metro Manila.

Ani Roque, mataas din naman ang vaccination coverage sa NCR kaya inaasahang kakaunti na lang ang masasapol ng COVID-19.

“With increased vaccination coverage, we expect less people to get sick. Dr. [Eric] Domingo even said breakthrough infections or those who got COVID-19 infection after getting fully vaccinated are at .00025%,” sambit niya.

“Napakaganda [rin] po ng ating health care utilization in Metro Manila with 65% occupancy for ICU beds, 44% occupancy for isolation beds, 48% occupancy for ward beds, 58% for ventilator use. Hanapbuhay muna ang asikasihun natin,” dagdag pa niya.

Nito lamang Miyerkoles inilagay sa naturang alert level status ang Metro Manila na siyang nakatakdang magtapos sa Oktubre 31. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?