Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque na i-ban muna ang pagsasagawa ng misa para maiwasan ang banta ng coronavirus sa Pilipinas.
Sa panayam kay Duque ng Radyo Inquirer, sinabi nito na ang pag-attend ng misa ay parang isang ‘petri dish’ para sa COVID-19.
“Pagbabawal na muna natin, kasi yan ang number one na pinanggagalingan. Parang a petri dish,” ayon kay Duque.
Kasama pa sa gustong ipagbawal ni Duque ay ang pagpunta ng publiko sa mga sinehan.
Ito’y bilang pagsunod sa pinapatupad na social distancing o paglayo muna ng at least isang metro sa ibang tao para maiwasan ang hawaan ng virus.
Sa ngayon ay nakataas na ang Code Red Sub-Level 2 sa Pilipinas dahil sa mga naitalang local transmission, dahilan para umabot na ang kaso ng COVID-19 sa 52.